MATAPOS makaba-ngon sa kanilang inisyal na pagkatalo ay target ng Marinerong Pilipino at Tanduay Rhum na maiposte ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang duwelo sa PBA D-League Foundation Cup 2:00 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa unang laro, ganap na 12:00 ng tanghali, hahanapin ng AMA Online Education at Zark’s Burger ang kanilang unang panalo.
Na-upset ng Marine-rong Pilipino ang Cignal HD, 66-65 na nakabawi sa 92-82 pagkatalo sa Team Batangas.
Ang Tanduay Rhum ay natalo sa Cignal HD, 89-63 nitong 1 Hunyo at nagwagi laban sa CEU, 75-60.
Si dating Phoenix coach Koy Banal ang may hawak ng Marine-rong Pilipino at siya ay tutulungan ng assistant na si Chiqui Reyes. Ang team manager ay si Molet Otayzo.
Pinakabeteranong miyembro ng koponan ang ex-pro na si Mark Isip, ang iba pang ina-asahan ni Banal ay sina Ralph Salcedo, John Rey Alabanza, Zach Ni-chols, Julian Sargent at John Derico Lopez.
Ang Rhum Masters ni coach Lawrence Chongson ay pinamumunuan ng ex-pros na sina Dennis Villamor, Jerwin Gaco, Lester Alvarez, Paul Sanga at Jay-R Taganas.
Ang AMA Online Education ay nabigo Kontra sa Racal Motors (118-100) at Cignal HD (86-76).
Ang Zark’s Jawbreakers ay natalo naman sa Gamboa Coffee Mix (85-84), Cignal HD (107-69) at Racal Motors (140-90).
(SABRINA PASCUA)