Saturday , November 16 2024

Maute/ISIS nagpalakas sa pananahimik ng PNoy admin vs terorismo

061917_FRONT
NAGPALAKAS ng puwersa ang tero-ristang grupong Maute/ Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa pananahimik ng administrasyong AQuino kontra-terorismo.

“Ang problema namin is, bakit walang katapusan ang armas nila pati bala? E di ibig sabihin, ang build-up niyan took about siguro more than three years,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa media interview sa pagbisita sa mga tropa ng pamahalaan sa Butuan City, kamakalawa.

Naniniwala si Pangulong Duterte na mga narco-politician/warlords sa Mindanao ang nagpondo sa terorismo sa Marawi City, ang itinuturing na baluwarte ng Maute/ ISIS.

May kasalanan din aniya ang traditional leaders sa Lanao del Sur sa paglakas ng terorismo sa lalawigan dahil hindi ipinabatid sa mga awtoridad ang pagpapalakas ng puwersang militar ng Maute/ ISIS.

“They should have reported it maybe a long time ago kasi alam nila that there was already a military build-up. At walang kaubos-ubos ang bala pati ang – they could match even the firepower of the Armed Forces,” anang Pangulo.

Hindi aniya “failure of intelligence” ang gulo sa Marawi City, nagtago sa ‘kumot’ nang isinusulong na prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro ang pagpapalakas ng puwersa ng Maute /ISIS.

“It was not a question of failure on the part of government. Kasi naman tayo, we have adapted a very soft policy towards sa rebels. And this came about because nagdadala sila ng baril e. And since we are thinking of getting peace with the MILF and the MNLF, ang laro ng armas diyan, we took it for granted. Pero alam natin na mabibigat,” aniya.

“Pero hinayaan kasi natin because we never knew at the time kung sino talaga ang kalaban. ‘Yun bang mga politikong nag-aaway, nagri-rido sila o ‘yung mga private army ba ng politicians? Nga-yon, kalabas-labasan itong Maute were bringing the firearms surreptiously at hindi natin nakuha na gaano na karami ang ammo pati baril sa loob,” dagdag niya.

Naghintay aniya ng ‘bikil’ o tsansa ang Maute para mailunsad ang tero-rismo sa Marawi City, nang tangkang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban kay ISIS emir Isnilon Hapilon na nagpapagaling sa siyudad makaraan masugatan sa surgical ope-rations ng militar sa Butig, Lanao del Sur noong nakalipas na Enero.

“But all the while, itong Maute with the connivance of the politicians there, ‘yung warlords, were stockpiling. Kaya ni hindi maubos ang M203 na bala at napakarami.

Inamin ng Pangulo na mahirap kalaban ang mga terorista na handang mamatay at pumatay para sa baluktot nilang paniniwala sa relihiyon at sa Marawi City ay naki-kipagbakbakan sa militar ang ‘conglomerate’ o kalipunan ng ISIS fighters mula sa Syria, Indonesia, Malaysia, Sri Lanka at Kuwaiti.

Dahil dito’y nagkaroon aniya ng ibang iskema ang gobyerno sa pagsugpo sa terorismo, papausbong pa lang ay dudurugin na.

“Ang anywhere in the Philippines,’ pag naamoy ng intelligence na meron diyan, we should start to buildup and tapusin natin in the nip of the bud, kakaunti pa lang, huwag na natin hintayin, we have to use the air assets now because we are up againts fighter,” dagdag niya.
ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *