Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, handa nang mag-two-piece para sa Darna

Samantala, si Liza ang napili ng Star Cinema para gumanap sa muling pagsasapelikula ng iconic Pinoy heroine na Darna. Karamihan sa mga nauna nang gumanap na Darna ay hindi ang mismong boses nila ang ginamit kapag isinisigaw na ang Darna, kundi isang singer. Pero sa kaso ni Liza, mas gugustuhin ba niya na ang sarili niyang boses ang  gamitin kapag sisigaw na siya ng Darna?

“If they will tell me na ako talaga ‘yung sisigaw ng ‘Darna’, then I wil do it,” sagot ni Liza.

Pina-practice niya na bang sumigaw ng Darna?

“Hindi  ko po siya pina-practice. Nahihiya po ako sa sarili kong i-practice siya, kasi hindi ka pa po alam kung paano ‘yung tamang way talaga.”

Handa na ba siya sa two-piece outfit ni Darna?

“Well, of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuutin ko. Bit if I were to choose anything naman actually, as long as I’m prepared for it.”

Kung okey na sa kanya ang magsuot ng two-piece sa pelikula, isa ba itong indication na nagma-mature na siya?

“Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year. So I think it’s about time na naman.”

Isa sa preparations ni Liza para sa Darna role ay nag-a-undergo siya ng dance lesson.

“For grace and timing po. And siyempre personal ko na rin ‘yun so at least I can dance good for ‘ASAP’.”

Ano ang naging reaksiyon ng ka-loveteam niyang si Enrique Gil na siya ang napiling Darna ng Star Cinema?

“Before noong may news coming out na isa po ako sa pinagpipilian para gumanap na ‘Darna;, he didn’t think that it was going to be me. Because sabi niya, baby pa ako. So, imposibleng mag-two piece ako. But then, when he found out, he was supportive naman.  He said, ‘kaya mo yan’. Now, sinasamahan niya rin ako sa pagwo-work out.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …