IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, bilang regular holiday sa buong bansa ang 26 Hunyo bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte Proclamation 235 upang makiisa sa mga kapatid nating Muslin sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam.
Ang Filipinas ang kauna-unahang may pinakamalaking populasyon ng Kristiyanong bansa na nagdeklara na regular holiday ang Eid’l Fitr kada taon.
Ito’y unang ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa sa mga pangunahing relihiyon sa bansa. (ROSE NOVENARIO)