Saturday , November 16 2024

Regular updates sa kalusugan ni Digong hiling ng oposisyon

PRRD WALANG SAKIT. Taliwas sa ipinakakalat ng oposisyon, walang sakit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pinatunayan ito sa ipinamahaging retrato sa Palace reporters kahapon, dakong 5:52 pm na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.
PRRD WALANG SAKIT. Taliwas sa ipinakakalat ng oposisyon, walang sakit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pinatunayan ito sa ipinamahaging retrato sa Palace reporters kahapon, dakong 5:52 pm na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.

IGINIIT ng opposition lawmakers na dapat ihayag ang status ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang patuloy sa kanyang “private time.”
Sinabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, ang pagkawala ni Duterte sa public engagement sa nakaraang mga araw ay “very unusual,” habang patuloy ang sagupaan sa Marawi City, at umiiral ang martial law sa buong Mindanao.

“People cannot help but speculate about the status of [the] President’s health. Malacañang should be forthright in informing the public about this. [The] President’s health is a national security issue,” pahayag ni Alejano, naghain nang ibinasurang impeachment complaint laban kay Duterte.

Ganito rin ang paha-yag ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

“The most plausible explanation for a President going on leave for a week or more is health reasons. So it’s most likely that he had to undergo a medical check-up,” pahayag ni Baguilat.

“The results have to be disclosed to the public because ever since Cory [Aquino]’s time, a president’s health has been a national concern,” aniya pa.

Sina Alejano at Bagui-lat ay mga miyembro ng “Magnificent 7,”  independent minority sa Kamara, at kabilang sa petitioners na kumukuwesti-yon sa pagdedeklara ng martial law ni Duterte sa Mindanao.

Ang kanilang panawagan ay makaraan hindi dumalo si Pangulong Duterte sa wreath-laying ceremonies sa Rizal Park sa pagdiriwang ng bansa sa ika-119 Araw ng Kalayaan, nitong Lunes.

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, si Pangulong Duterte ay “well but just needs time to rest after being on the road for at least 23 days, fulfilling his martial law supervision.”

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *