MAGIGING test case ng kontrobersiyal na Human Security Act o Anti-Terrorism Law (Republic Act 9372) ang mga teroristang naghahasik ng lagim sa Marawi City, at iba pang parte ng bansa.
Ayon sa Palace source, kasama sa pinag-aaralan ng legal team ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9372 sa mga miyembro ng mga teroristang grupong Maute, Abu Sayyaf at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), kanilang financiers, at mga kaalyado.
Batay sa Anti-Terror Law, krimen ang terorismo at kabilang sa pinahihintulutan na gawin ng mga awtoridad ang “preventive detention and warrantless arrest of terror suspects.”
Paliwanag ng source, ang terorismo ay krimen laban sa sambayanang Filipino, sangkatauhan at batas ng mga bansa.
Kasama sa terorismo ang mga krimen sa ilalim ng Revised Penal Code gaya ng “Piracy in gene-ral and Mutiny in the High Seas or in the Philippine Waters, rebellion, Coup d’etat, Murder, Kidnapping and Serious Illegal Detention.”
Aabot hanggang 40 taon pagkabilanggo ang ipapataw sa sino mang mapapatunayang guilty sa kasong terorismo.
Kaugnay nito, sinabi ni PNP chief, Director-General Ronald dela Rosa, bukod sa pagsibak sa serbisyo kay Supt. Cristina Nobleza, maaari siyang sampahan ng kasong terorismo, karagdagan sa naunang mga asuntong illegal possession of firearms at harbouring criminal.
Naunang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinadala ng ISIS kay Nobleza ang malaking pondo para gamitin sa paglulunsad ng mga pag-atake sa bansa.
Si Nobleza ay nada-kip sa Bohol noong Abril kasama ang karelasyon na si Renierlo Dongon, umano’y Abu Sayyaf Group (ASG) bomb ma-ker, habang tangkang sagipin ang mga kasama-hang terorista sa lalawigan.
Bago naaresto, si Nobleza ay deputy chief ng PNP Crime Laboratory office sa Davao Region, nauna rito’y sa Intelligence Group, sa PAOCC at office of the PNP chief, at PNP-Anti Illegal Drugs Group (AIDG).
(ROSE NOVENARIO)
INANG MAUTE, 10 PA
INILIPAT SA CAMP
BAGONG DIWA
INILIPAT ng mga awtoridad sa Camp Bagong Diwa ang 11 indibidu-wal, kabilang ang ina ng magkapatid na Maute, at dating alkalde, pawang kinasuhan ng rebelyon kaugnay sa madugong pag-atake sa Marawi City.
Sina Ominta Romato Maute, alyas Farhana, at dating Marawi City ma-yor Fajad Salic, ay inilipad patungong Maynila nitong Lunes, makaraan sumailalim sa inquest proceedings sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro City, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Huwebes.
Kabilang din sa dinala sa Camp Bagong Diwa’s Special Care Intensive Area, sina Sumaya Bangkit Masakal, Radiea Tugosa Asire, Mariam Ibnu Abubakar, Zafeerah Rosales Musa, Nehreen Macaraya Abdul, Nora Moctar Limgas, Mardiyya Haji Ali, Sumayya Lawi Ali, at Noronisa Haji Camal.
Nauna rito, kinasuhan ng government pro-secutors ang 11 indibiduwal sa Misamis Oriental Regional Trial Court hinggil sa alegasyong na-ki-pagsabwatan sila sa ISIS-inspired Maute group, kasalukuyang nakikipagsagupa sa mga tropa ng gobyerno.
Si Farhana, ina nina Maute group founders Omar at Abdullah, na-nguna sa pag-atake sa Marawi nitong 23 Mayo, ay sinasabing financier ng nasabing extremist group.
Siya ang unang asawa ni Cayamora Maute, inaresto sa checkpoint sa Davao City nitong 6 Hunyo, kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa.
Si Farhana ay inaresto sa Maisu, Lanao Del Sur nitong 9 Hunyo.