NAGBIGTI ang isang negosyanteng Korean national sa tinutuluyang condominium sa Taguig City, nitong Miyerkoles.
Kinilala ang biktimang si Hwan Chul Jung, 52, ng Unit 1207, 12th Floor Ridgewood Tower, Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.
Ayon sa salaysay sa Taguig City Police, ng live-in partner ni Hwan na si Jennylyn, 28, dakong 11:45 pm, pagdating niya sa kanilang condo unit, tumambad sa kanya ang nakabigting biktima habang nakaupo sa silya.
Iniimbestigahan ng pu-lisya ang insidente at ina-alam kung may kinalaman sa negosyo ang pagpapakamatay ng biktima.
(JAJA GARCIA)