ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paperworks kaya hindi nagpapakita sa publiko nitong mga nakalipas na araw.
Ipinamahagi sa Pa-lace reporters kahapon, dakong 5:52 pm ang larawan ni Duterte na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.
Habang ang isang retrato ay magkatabi sila ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Huling nakita sa pagtitipon si Pangulong Duterte nang salubungin sa Villamor Air Base sa Pasay City ang labi ng walong sundalong namatay sa pakikipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City nitong Linggo (11 Hunyo) ng gabi.
Kumalat ang mga espekulasyon na may sakit ang Pangulo kaya apat araw na hindi nagpapa-kita sa publiko makaraan hindi matupad ang Marawi Liberation nitong Lunes kasabay ng ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
REGULAR UPDATES
SA KALUSUGAN
NI DIGONG HILING
NG OPOSISYON
IGINIIT ng opposition lawmakers na dapat iha-yag ang status ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang patuloy sa kanyang “private time.”
Sinabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, ang pagkawala ni Duterte sa public engagement sa nakaraang mga araw ay “very unusual,” habang patuloy ang sagupaan sa Marawi City, at umiiral ang martial law sa buong Min-danao.
“People cannot help but speculate about the status of [the] President’s health. Malacañang should be forthright in informing the public about this. [The] President’s health is a national security issue,” pahayag ni Alejano, naghain nang ibinasurang impeachment complaint laban kay Duterte.
Ganito rin ang paha-yag ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.
“The most plausible explanation for a President going on leave for a week or more is health reasons. So it’s most likely that he had to undergo a medical check-up,” pahayag ni Baguilat.
“The results have to be disclosed to the public because ever since Cory [Aquino]’s time, a president’s health has been a national concern,” aniya pa.
Sina Alejano at Bagui-lat ay mga miyembro ng “Magnificent 7,” independent minority sa Kamara, at kabilang sa petitioners na kumukuwesti-yon sa pagdedeklara ng martial law ni Duterte sa Mindanao.
Ang kanilang panawagan ay makaraan hindi dumalo si Pangulong Duterte sa wreath-laying ceremonies sa Rizal Park sa pagdiriwang ng bansa sa ika-119 Araw ng Kalayaan, nitong Lunes.
Sa kabilang dako, si-nabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, si Pangulong Duterte ay “well but just needs time to rest after being on the road for at least 23 days, fulfilling his martial law supervision.”
ni ROSE NOVENARIO