Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Dayuhang casino financier patay sa ambush

APAT na bala ng baril na tumama sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng isang Hong Kong national, na sinasabing casino financier, habang nag-aabang ng taxi sa Baclaran, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Binawian ng buhay bago mairating sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Chong Weng Sum, 60, ng Binondo, Maynila.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 9:30 pm sa panulukan ng Airport Road at Mactan St., Brgy. Baclaran, ng lungsod.

Habang nag-aabang ng taxi ang biktima sa naturang lugar, sumulpot ang nag-iisang suspek na ilang beses siyang pinaputukan.

Ikinuwento ng nobya ng biktima sa pulisya, (‘di nagpabanggit ng pangalan), nitong nakaraan linggo pa sila naka-check-in sa Baymont Hotel sa Airport Road, dahil naglalaro si Sum sa casino sa City of Dreams, ilang kilometro ang layo mula sa tinutuluyan hotel.

Aniya may mga pautang si Sum sa ilang manlalaro sa casino at may kaaway aniya sa negosyo.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …