Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Action scene ni Maja sa Wildflower, trending

UMANI ng papuri at nag-trending ang ginawang action scenes ni Maja Salvador noong Lunes (June 12) sa matensiyong episode ng hit primetime serye na Wildflower.

Aminado ang aktres na hindi naging madali ang eksenang ginawa niya kahit may karanasan na siya sa pag-a-aksiyon sa iba niyang naging proyekto.

“May action scenes naman na ako na nagawa before pero mas matindi lang ang fight routines na ipinagawa sa ‘kin dito sa ‘Wildflower’ tapos naka-heels pa,” ani Maja.

“Pero okay lang kasi if you really love your character tapos you’re giving 100% para mapaganda ang show, magagawa at magagawa mo kahit gaano pa kahirap,” dagdag pa ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Maja sa kanyang fight instructor na inalalayan siyang mabuti habang ginagawa ang eksena.

“Salamat din pala sa suot kong heels kasi matibay siya!” pabirong sabi nito.

Nang tanungin kung bukas siyang malinya sa mga action project, sagot ng aktres, ”Kung iyon ang maibibigay sa akin na project, why not? Game! Sabi nga ni Ivy Aguas, ‘bring it on!’ Gusto ko ‘yung mga project na may challenge sa akin. Dahil mas nae-explore ko pa kung ano pang kaya kong maibigay.”

Samantala, mas lalo pa ngang umiinit ang mga tagpo sa Wildflower lalo pa’t mas matindi na ang banggaan nina Ivy (Maja) at Emilia (Aiko Melendez). Ano pa ang mga kayang gawin ni Emilia para mapabagsak lang si Ivy?

Pakatutukan ang Wildflower, Lunes hanggang Biyernes bago ang TV Patrol sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …