ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Limjoco robbery group, na responsable sa panghoholdap sa Cubao, Quezon City.
Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, ang suspek na si Mike Montero Limjoco alyas Dagul, 38, ng 85 13th A-venue, Brgy. Socorro, Cubao, ng lungsod, ay ina-resto ng QCPD Cubao Police Station 7, sa tulong ng Pangasinan Police Provincial Office, nitong 12 Hun-yo 2017, sa McArthur Highway, Umingan, Pangasinan.
Si Limjoco ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa PD 1866 (Illegal Possession of Firearms), na inisyu ni Judge Bernelito Bernaldes ng QCRTC Branch 97.
Sa rekord ng pulisya, ang Limjoco group ay binubuo ng magkaka-patid na limang lalaki at sangkot sa panghoholdap sa Quezon City simula noong 2009.
Kilala ang grupo bilang motorcycle-riding robbers.
Ang grupo ay sangkot din sa pagpatay, kabilang ang pagpaslang sa isang Chinese-Filipino businessman noong 2011, at isang vendor noong 2013 sa Cubao.
Habang si Manny, kapatid ni Mike, ay nadakip noong Marso 2015 sa kanyang bahay sa Pangasinan dahil sa pagpaslang sa isang Chinese-Fi-lipino businessman. (ALMAR DANGUILAN)