Tuesday , April 22 2025

Agit-Prop ng Maute/ISIS sasampolan ng cyber sedition

061417_FRONT

SASAMPOLAN ng kasong cyber sedition ang mga naglulunsad ng agit-prop (agitation-propaganda) ng teroristang Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa iba’t ibang website.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima, may aarestohin ang mga awtoridad na nagpapakalat ng propaganda ng Maute/ISIS.

“We are involved confidential. May huhulihin na. Cyber sedition, may huhulihin… We’re not going to name the persons. We are able to track about more than one last night,” ani Salalima.

Aniya, nakikipagtulungan ang DICT sa Philippine National Police (PNP) sa pagsisiyasat ng cybercrimes gaya ng cyber sedition na nag-uudyok sa mga mamamayan na mag-aklas laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng online o internet.

“To the extent that they effect or they commit cybercrimes, then DICT takes over. Remember, rebellion, sedition are crimes under the old  penal code. You do sedition, you incite people via cyber or via Internet, I call it there is cyber rebellion. There is cyber sedition. But kasi ang rebellion, there must be a ta-king up of arms. So ‘pag sa online, it could amount to cyber sedition,” dagdag niya.

Batay sa Section 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012, “All crimes defined and penalized by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, if committed by, through and with the use of information and communications technologies shall be covered by the re-levant provisions of this Act: Provided, That the penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, as the case may be.”

Kapag napatunayang guilty ang sino man sa kasong cyber sedition, habambuhay na pagkabilanggo ang pinakamabi-gat na parusa.

Noong 9 Hunyo, hi-niling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook Philippines, na alisin ang 63 accounts na ginagamit ng Maute Group at kanilang sympathizers para magpakalat ng propaganda.

Ang ISIS ay kilalang gumagamit ng social media para ipalaganap ang kanilang agit-prop at mag-recruit ng mga kasapi.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *