Saturday , November 16 2024

Hinanakit ni Digong: Korupsiyon talamak sa 6-taon PNoy admin

PUNO ng korupsiyon ang anim-taon panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at hindi na ito mabubura sa kasaysayan.

Ito ang buwelta ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga taga-Liberal Party na suking kritiko ng idineklara niyang martial law sa Mindanao, bunsod nang pagkubkob ng mga terorista sa Marawi City.

Ang mga taga-LP aniya na walang bukambibig dati kundi ang paratangan na ‘corrupt’ ang administrasyong Arroyo, ang tadtad pala ng katiwalian ang gobyerno.

Anang Pangulo, madali lang magdaldal o magpapogi sa pagbatikos sa martial law sa Mindanao lalo na’t nakatira sila sa Luzon at hindi nararanasan ang lupit ng terorismo. “Maybe sila kasi sa Luzon okay lang sila e. But ilagay mo dito sa Mindanao? Make him establish a residence here in Marawi and in Zamboanga and Jolo, tingnan natin,” aniya.

“Madali lang kasi mag-daldal, magpapogi. It’s very easy to, you know, criticize. But history has shown na ‘yung nagki-criticize, ‘yung noon Liberal sinasabi ‘corrupt, corrupt’ si Arroyo ngayon sila, o tingnan mo ‘yung six years e ‘di puro corruption,” dagdag niya.

Matatandaan, isiniwalat ni Pangulong Duterte na lumala ang narco-politics sa bansa sa panahon ng rehimeng Aquino kaya nahihirapan siya ngayon na sugpuin ang terorismo dahil pino-pondohan ito ng drug mo-ney. Ipinangako ng Pangulo na walang matitirang shabu laboratory sa Mindanao kapag binawi niya ang batas militar sa rehiyon.

“I will promise you there will never be cooking of shabu in this island of Mindanao when I am through. I have ordered the military and the police to strike hard against the drug people kasi kasama na sila sa rebellion. Ang rebellion was financed by drug money,” aniya.

Ang pinakamalaking shabu laboratory sa Mindanao ay pagmamay-ari ng Maute terrorist group.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *