IPAGKAKATIWALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon ng Marawi City sa kanyang housing czar na si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, Jr.
“Meron kami, sabi ko kay Jun, when I was ma-yor of Davao City siya ‘yung sa housing ko, ‘prepare a rehab plan for Marawi’.”
Unahin ko lang ‘yung mga bahay na ‘yung mga mahirap. Iyong malala-king building, hayaan mo na may pera ‘yan,” anang Pangulo hinggil sa pla-nong pagbangon sa Marawi City.
Bilang dating rebeldeng komunista, batid aniya ni Evasco ang pa-ngangailangan ng mahihirap at nakahanda ang gobyerno na ayudahan ang masa.
Paliwanag ng Pangulo, ayaw niyang maglunsad ng giyera laban sa sariling mga mamama-yan kaya’t ang panala-ngin niya’y matapos na ang pakikipagbakbakan ng militar sa mga terorista.
“Mga kapatid kong mga Maranao, lahat na pati the Moro world of Mindanao: I do not want to fight. I cannot… I simply cannot wage a war against my own people. I pray that there will be a short period of war acti-vity and we expect it to be over soon. We are ready, ang gobyerno, ang ating Republic, to extend assistance,” anang Pa-ngulo sa panayam sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.
Nauna nang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maglalaan ang Palasyo ng P10 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
(ROSE NOVENARIO)