Tuesday , December 24 2024

Bandilang half-mast para sa Marawi (Sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

061317_FRONT

INIUTOS ng Palasyo na ilagay sa half-mast ang watawat sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula kahapon, bilang pagluluksa sa pagkamatay ng mga sundalo’t pulis, at mga inosenteng sibil-yan sa bakbakan sa Marawi City.

Hiniling ng Malacañang sa publiko, magkakaiba man ang relihiyon, na umusal ng maikling panalangin, hindi lamang para sa namatay na mga tropa ng gobyerno at inosenteng sibilyan, kundi maging para sa mga residenteng patuloy pang naiipit sa siyudad.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  mahalagang magkaisa ang lahat ng mga Filipino sa panalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa sa Filipinas.

Samantala, masama ang pakiramdam ni Pa-ngulong Duterte kaya hindi nakadalo sa paggunita sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Luneta.

Si Vice President Leni Robredo ang humalili sa Pangulo sa flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Rizal, kasama sina Fo-reign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at AFP chief of staff Eduardo Año.

Pinagtutuunan ng Pangulo ang krisis sa Mindanao na nangangailangan ng kanyang buong atensiyon.

ni ROSE NOVENARIO

 

EVASCO BAHALA
SA REHAB NG MARAWI
— DUTERTE

IPAGKAKATIWALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon ng Marawi City sa kanyang housing czar na si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, Jr.

“Meron kami, sabi ko kay Jun, when I was ma-yor of Davao City siya ‘yung sa housing ko, ‘prepare a rehab plan for Marawi’.”

Unahin ko lang ‘yung mga bahay na ‘yung mga mahirap. Iyong malala-king building, hayaan mo na may pera ‘yan,” anang Pangulo hinggil sa pla-nong pagbangon sa Marawi City.

Bilang dating rebeldeng komunista, batid aniya ni Evasco ang pa-ngangailangan ng mahihirap at nakahanda ang gobyerno na ayudahan ang masa.

Paliwanag ng Pangulo, ayaw niyang maglunsad ng giyera laban sa sariling mga mamama-yan kaya’t ang panala-ngin niya’y matapos na ang pakikipagbakbakan ng militar sa mga terorista.

“Mga kapatid kong mga Maranao, lahat na pati the Moro world of Mindanao: I do not want to fight. I cannot… I simply cannot wage a war against my own people. I pray that there will be a short period of war acti-vity and we expect it to be over soon. We are ready, ang gobyerno, ang ating Republic, to extend assistance,” anang Pa-ngulo sa panayam sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Nauna nang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maglalaan ang Palasyo ng P10 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

(ROSE NOVENARIO)

 

Sa operasyon sa Marawi
SPECIAL ASSISTANCE
SA SUNDALO, PULIS
HILING NI ANGARA

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa mga kasamahan sa Senado para sa agarang pagpasa ng kanyang  mga panukalang naglalayong pagkalooban ng espesyal na tulong pinansiyal at dagdag benepisyo ang mga kagawad ng pulisya at militar na nakatalaga ngayon sa Marawi City.

Panawagan ito ng senador dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa tropa ng gobyerno sa patuloy na pakikibakbakan sa tero-ristang grupong Maute.

Iniulat mula noong 23 Mayo, umaabot sa 58 katao sa hanay ng gob-yerno ang namatay sa sagupaan, 40 sa nasabing bilang ang mula sa Phi-lippine Army, 15 mula sa Philippine Marines, at tatlo mula sa Philippine National Police.

Nitong Biyernes, agad nalagas sa hanay ng Marines ang 13 sa kanilang mga kasamahan habang nagsasagawa ng clearing operations na tumagal ng 14 oras.

“Patuloy sa paglala ang gusot sa Marawi. Sa mga ganitong pagkaka-taon, ibigay naman sana ng gobyerno ang lahat ng maipaaabot nilang suporta sa mga kababayan na-ting sundalo na nagbubuwis ng buhay sa digmaan. Napakaraming nasawi. Nakikiramay po tayo sa kani-kanilang mga pamilya,” ani Angara.

Isa sa isinusulong na mga panukala ni Angara ang Senate Bill 1462 o ang Uniformed and Law Enforcement Personnel Special Financial Assistance Act, at SB 1463 o ang Uniformed and Law Enforcement Educational Assistance.

Layon ng SB 1462 na magkaloob ng special financial assistance na katumbas ng anim buwan sahod, kabilang ang allowances at mga bonus sa pamilya ng mga sundalo at pulis na namatay habang nasa digmaan.

Prayoridad din ng gobyerno na bigyan ng trabaho sa pamahalaan ang naulilang asawa o sino mang benepisaryo ng namatay na kagawad.

Habang nilalayon ng SB 1463, na awtomatikong isailalim sa scho-larship ang mga naulilang anak ng mga tropa ng gobyerno, mula kindergarten hanggang kolehiyo.

Kabilang sa mga sasagutin ng gobyerno ang matrikula, miscellaneous fees, pambayad ng libro, school supplies, at allowance para sa kanilang pagkain at pa-masahe. (NIÑO ACLAN)

 

MAUTE SA METRO
ITINANGGI NG NCRPO

WALANG katotohanan ang kumakalat na balita o text messages na may mga miyembro ng Maute terrorist sa Metro Manila, ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko, at idiniing huwag basta maniniwala.

Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, inaasahan nila ang kaliwa’t kanang pananakot sa gitna nang maigting na operasyon ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga tero-ristang grupo, tulad ng Maute at Abu Sayyaf.

Dagdag ng NCRPO director, dapat maging maingat at kalmado ang publiko ngunit hindi ito nangangahulugan na maaapektohan ang mga araw-araw na mga gawain.  Hinihiling ni Albayalde ang kooperasyon ng publiko, tulad ng pagsu-sumbong tuwing may naiiwang gamit o mga taong kahina-hinala ang ikinikilos.

Nitong nakalipas na ilang araw, ilang text messages ang kumalat sa Metro Manila, sinasabing manggugulo sa NCR ang ilang mga terorista, makaraan mailipat sa Metro Manila ang tatay ng Maute brothers.

(JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *