LABIS na ikinalungkot ng Palasyo ang pagkamatay ng 13 kagawad ng Philippine Marines sa paki-kipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute /ISIS Marawi City noong Biyernes.
Magiting na nakipag-hamok para sa mga kapa-tid nating Maranao ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista, ayon kay Abella.
Ang insidente aniya ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno na linisin ang Marawi sa mga kriminal, isalba ang mga sibilyan at ibalik ang kaayusan, seguridad at normal na sitwasyon sa siyudad at mga residente.
Personal na nakiramay kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo nang dumating ang kanilang labi sa Villamor Airbase, Pasay City.
(ROSE NOVENARIO)