Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TnT, Meralco maglalaglagan

MAGTUTUOS sa  huling pagkakataon  ang sister teams TNT Katropa at Meralco Bolts para sa ikaapat na semifinals berth ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang magwawagi mamaya ay makakaengkwentro ng crowd-favorite Barangay Ginebra sa best-of-five semifinal round na mag-uumpisa sa Linggo.

Sa kabilang best-of-fIve serye ay magsasagupa naman ang San Miguel Beer at Star Hotshots.

Naitabla ng Meralco ang best-of-three quarterfinals sa pamamagitan ng 103-100 overtime na panalo noong Miyerkoles.  Ang Tropang Texters ay nanaig sa series opener, 102-84 noong Lunes.

Nagbida para sa Bolts sina Baser Amer at Kelly Nabong. Si Amer ay nagtala ng game-high 32 puntos bukod pa sa anim na rebounds at apat na assists sa 43 minuto. Si Nabong ay gumawa ng pito sa kanyang 15 puntos sa overtime.

Kapuna-puna sa serye na hindi napakikinabangan ni Meralco coach Norman Black ang kanyang import na si Alex Stepheson.

Sa Game One, si Stepheson ay nagtala lang ng siyam na puntos at 16 rebounds. Sa Game Two ay nalimita siya sa pitong puntos, 13 rebounds at dalawang blocked shots sa 26 minuto bago nag-foul out.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …