Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB vs Ginebra uli sa Commissioner’s Cup finals?

MAGPAPALIT lang  ng kalaban ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra ‘pag nagkataon  sa semifinals ng Commissioner’s Cup.

Noong nakaraang Philippine Cup kasi ay nakatagpo ng Gin Kings ang Star Hotshots samantalang nakaengkwentro ng Beermen ang TNT Katropa.

Ngayon ay sure San Miguel-Star na sa isang best-of-five series samantalang hinihintay pa ng Barangay Ginebra ang kanilang katunggali.

Magtututos pa kasi ang TNT Katropa at Meralco Bolts sa sudden-death Game Three ng quarterfinals mamaya.

So puwedeng Ginebra-TNT o kaya ay rematch sa pagitan ng Ginebra at Meralco na nagtapat sa championship round ng nakaraang Governors Cup.

Anu’t anuman ay tiyak na pinapaboran ang Beermen at Gin Kings kontra sa kanilang mga katunggali. Marami ang umaasa na sila ang muling magkikita sa best-of-seven Finals ng torneo.

San Miguel vs. Barangay Ginebra, Part II, ikanga.

Kasi nga ay sobra ang lakas ng dalawang koponang ito.

Sa San Miguel nga ay hindi ginagamit ni coach Leovino Austria nang husto ang kanyang bench at anim lang talaga ang bugbog sa court. Pansamantala lang silang pinagpapahinga ng mga kakamping nasa bench.

Sa panig ng Gin Kings, aba’y babalik na si Greg Slaughter sa semifinals matapos na hindi makapaglaro bunga ng pagkakaopera ng tuhod.

Kung nagawa ng Ginebra na maging No. 1 team sa elims nang wala si Slaughter, ano pa kaya ngayong nagbalik na si Gregzilla?

So, unless na magdelubyo o magmilagro, malamang na Gin Kings-Beermen na naman sa Finals!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …