Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, inilunsad ang magazine na pang-showbiz at para sa mga OFW

TULOY-TULOY sa pag-hataw si Ms. Baby Go dahil bukod sa pagprodyus ng mga makabuluhang pelikula, inilunsad recently ang kanyang BG Showbiz Plus, ang kauna-una-hang publication sa bansa na dedicated sa independent film industry at sa mga OFW. Kilala sa pagiging mabait, very supportive at may mga adbokasiya si Ms Baby.

Si Maridol Bismark ang editor in chief ng BG Showbiz PLus, si Robert Requintina ang Associate Editor, at VP ng publication si Ms. Jean Go Marasigan. Mabibili ang magazine simula July sa halagang P100 sa National  Book Store, 7-11  at  ilang spa and salon.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Ms. Baby ang Child Haus, ukol sa mga batang may cancer. Ang pelikulang ito mula sa direksiyon ni Louie Ignacio ay nanalo bilang Best Children Film sa 14th Dhaka International Film Festival.

Kabilang din sa nagawa ng kanyang movie outfit ang Ang Iadya Mo Kami ni Allen Dizon. Ito ay tungkol sa buhay ng pari na nagkaroon ng anak. Nagwagi ito sa Silk Road Festival sa Ireland ng Best Actor Award para kay Allen Dizon.

Ang pelikulang Area naman na pinagbibidahan nina Ai-Ai de las Alas at Allen ay ukol sa mga laos na prostitute. Maraming awards na rin ang hinakot ng Area. Kabilang ang parangal sa 2017 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) sa Malaysia. Nagwagi rito ang Area ng Best Actress para kay Ai-Ai at Best Director, Louie Ignacio; at Best Supporting Actress, Ana Capri para sa Laut.

Incidentally, ang Area ay mapapanood simula ngayon-June 9 sa Cine Lokal. Isang linggo itong mapapanood sa walong SM Cinema: Mall Of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Iloilo at Cebu sa halagang Php120 lang. Ang Cine Lokal ang isa sa project ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra at ng SM Cinema

Noong Abril 25, tumanggap din si Ms. Baby ng tatlong special awards sa 15th Gawad Tanglaw. Nakamit niya ang Presidential Jury Award for Best Film para sa pelikulang Area, Presidential Jury Award-Student’s Choice Award for Best Film para sa Laut, at Presidential Jury Prize for Best Children’s Film, Child Haus. Last April 25, pinara-ngalan din siya para sa pelikulang Iadya Mo Kami bilang isa sa Pinakapasadong Pelikula ng Taon sa 19th Gawad Pasado. Ang iba pang nakuhang parangal ng pelikulang ito ni Ms. Baby ay para kay Allen Dizon, Pinakapasadong Aktor; Aiko Melendez, Pinakapasadong Katuwang na Aktres; at Mycko David, Pinakapasadong Sinematograpiya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …

Vincent Co Bea Alonzo

Marriage banns nina Bea at Vincent pinaratangang A I

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang tila lumabas na anunsiyo ng umano’y pagpapalista ng kasal …