TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na “one call away” lang siya para saklolohan ang kanilang mga problema mula sikmura hanggang puson.
Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Leono, sa Brgy. Kalandagan sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ipinamahagi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo ang kanyang calling card upang mabilis siyang matawagan kapag kailangan ng tulong.
“For anything, for any reason. May problema ka. Sa edad mong gano’n, bata ka pa, pero ayaw nang — ayaw nang mag… ayaw magtindig ‘yan u*** ninyo siguro… Ayan pwede ‘yan ipaopera natin, ipalaki. Sundalo. O, so taguin ninyo ‘yan,” pabirong wika ng Pangulo sa mga nagtatawanang kawal.
Sakaling pagtawag ng sundalo sa kanyang tanggapan at wala siya ay ibigay ang pangalan at yunit sa sumagot sa telepono at ang Commander-in-Chief mismo ang tatawag sa kanilang kampo upang alamin ang problema.
“Kung anong problema mo, tapos hindi kaya o kailangan mo ng ano… tulong talaga, tawagan mo lang ako. ‘Pag wala ako, sabihin na busy ako or I’m not inside my office, I’m out in the field, just leave me your name and your rank under — ‘yung unit ninyo and I will call you,” dagdag niya.
Puwede rin aniyang tawagan ang cell number ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go upang makausap siya nang direkta.
Ipinaalala ng Pangulo, huwag ilapit ng mga sundalo ang suliranin sa ibang babae maliban sa kanilang tunay na pamil-ya dahil hindi niya kokonsintihin.
Ipinagmalaki muli ng Pangulo ang kasadong mga ayuda sa tropa ng pamahalaan gaya ng inilaan niyang P20 bilyon educational trust fund para sa mga anak ng sundalo gayondin ang mo-dernisasyon ng mga military hospital.
(ROSE NOVENARIO)