Saturday , November 16 2024

P250-M shabu kompiskado sa Taiwanese

UMABOT sa 50 kilo ng hinihinalang shabu, P250 milyon ang halaga, ang nakompiska sa isang Taiwanese national makaraan arestohin sa isang hotel sa Brgy. Baclaran, Parañaque City nitong Sabado.

Ayon sa ulat, ang shabu ay natagpuang nasa tatlong styrofoam boxes at napapatungan ng mga tuyong isda.

Ang suspek na inaresto sa Red Planet Hotel Aseana ay kinilalang si Chen Teho Chang, 56, residente sa Biñan, Laguna.

Bukod sa hinihinalang droga, kinompiska rin ang pulang Honda Civic (VEM 268) at isang HTC cellular phone.

Ayon kay Philippine National Police’s Drug Enforcement Group (DEG) public information officer Supt. Enrico Rigor, ang suspek ay dalawang buwan isinailalim sa surveillance bago inaresto.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *