Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, ‘di matutuyuan ng pera dahil sa financier na mayamang bading

KAHIT pala hindi na bigyan ng TV assignments ng isang estasyon ang aktor na ito’y financially secure na rin siya.

Hindi lang ‘yan, kahit pa gabi-gabi siya magpatalo sa pinupuntahang e-bingo sa bandang Banaue, Quezon City ay hindi siya matutuyuan ng balon ng pera.

At paano nangyari ‘yon? Ang tsika, dyowa lang naman ang aktor na ito ng isang mayamang bading na may-ari ng isang eskuwelahan.

Ang eksena naman sa e-bingo ay ganito, mauuna munang pumasok ang aktor sa loob na namumutok-mutok ang bulsa sa pantaya. Kapag na-lost ang dala-dala niyang datung, to the rescue agad ang baklita na nasa labas lang naman pala ng establisimyento.

Follow naman ang bading sa loob, give uli ng pantaya. Pero kapag talagang inaalat ang aktor ay lalayas na kasama ang dyowa.

Da who ang masyongkad na aktor na ito na produkto ng isang artista search na nadiskubre sa kanilang bayan sa Calabarzon area? Itago na lang natin siya sa alyas na Dindo Ignorante.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …