HINDI na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga segunda-manong armas at gamit pandigma mula kay Uncle Sam.
Gusto ni Pangulong Duterte na pawang mga bago ang bibilhing kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanyang administrasyon, kahit doble pa ang presyo nito.
“During my time, wala na akong second-hand na mga barko, barko. It has to be brand new. Hindi na ako tatanggap ng mga equipments ng military na second-hand. Iyong ibinibigay ng Amerikano, ayaw ko na ‘yan. Even I have to spend double the money,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa pagbisita sa 102nd Infantry Brigade sa Brgy. Igsoon, Ipil, Zamboanga Sibugay kahapon.
Tiniyak ni Duterte na maglalaan siya ng P20-bilyon trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.
“So ‘yan ang maasahan ninyo. At may… Sometime… But I have already a part of the funds that will guarantee na ‘yung anak ninyo, edukasyon will continue even if you are somewhere,” ani Duterte.
“The point is we are fighting for a principle and that is, what it is — what is the most important things. Huwag kayong matakot na ano… In this martial law, you just do your job. Pagka sinabi ng commander ‘gawain mo,’ gawain mo ‘yan. I will, I said, I will take full responsibility, legal and everything else, ako ang sasagot,” dagdag ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)