HINDI pala tinanggap ni Robin Padilla ang offer ni Coco Martin na gumanap siya bilang kontrabida nito sa Panday na possible entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.
Marami kaming nakakausap na fans ni Coco ang nag-react. Sabi ng mga ito, akala siguro ni Binoe ay sikat pa siya kaya ayaw niyang tumanggap ng supporting role.
Dapat nitong tanggapin ang katotohanan na tapos na ang panahon niya, na hindi na siya sikat. At kung isinasama man siya ni Coco sa Panday, kontrabida man ang magiging role, tiyak aalagaan naman ni Coco ang role niya, na maganda at mahaba ang exposure.
MA at PA – Rommel Placente