Saturday , November 16 2024
dead prison

2 sa 1,200 presong biktima ng food poisoning patay na (Sa Bilibid)

BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa mahigit 1,200 preso na nabiktima ng food poisoning sa New Bilibid Prison (NBP) nitong nakaraang linggo, ayon sa ulat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Huwebes.

Binanggit ang ulat mula kay Department of Health (DoH) Secretary Paulyn Jean Ubial, sinabi ni Aguirre, ang dalawang biktimang kapwa senior citizen ay nalagutan ng hininga bunsod ng dehydration at hypovolemic shock, kondisyon nang kawalan ng sapat na dugo at likido sa katawan, nagresulta sa multiple organ failure.

Kinilala ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga biktimang sina Virgilio Sabado, 62, at Sabas Lastimoso, 67-anyos.

Si Sabado ay namatay nitong Martes ng gabi sa NBP Hospital habang si Lastimoso ay binawian ng buhay nitong Miyerkoles ng gabi.

“The next of kin have been duly notified and provided with financial assistance,” pahayag ni BuCor Director General Benjamin Delos Santos.

Sa impormasyong nakarating sa Department of Justice (DoJ), ang mga biktima ay dumaranas ng diabetes bago ang insidente ng food poisoning sa loob ng national penitentiary noong 25 Mayo.

Samantala, sinabi ng DoJ, mula sa dating 910 preso na apektado ng insidente, umakyat na ito sa 1,212 hanggang nitong Huwebes.

Sa kabilang dako, inihayag ng DoJ, ang DoH ay nagkaloob ng 1,008 intravenous fluids at 50,000 water purification tablets sa NBP sa Muntinlupa City.

Nagkaloob din ng 4,000 piraso ng saging at 2,000 bote ng energy drink ang DoJ upang bumuti ang kondisyon ng mga preso.

Iniimbestigahan ng BuCor, nangangasiwa sa NBP, kung ang kontaminadong tubig o paksiw na bangus mula sa caterer ang sanhi ng insidente.

Habang hindi isinasaisantabi ni Aguirre ang posibilidad na ang insidente ay sinadya.

“We are coordinating with the the [Department of Health], with the full support of Health Secretary Ubial, to determine the etiology of this outbreak.

If there are persons or parties responsible for this then they should be held accountable,” paha-yag ni Aguirre.

Tiniyak niya sa publiko, partikular sa pamilya ng mga nagkasakit na preso, na tinutugunan ng DoJ at ng BuCor ang suliranin.

“The health and the welfare of our inmates, under the present circumstances, are paramount,” aniya. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *