NABULABOG ang mga empleyado ng Pasay City Hall of Justice nang makatanggap ng bomb threat ang mga kawani kahapon ng hapon.
Sinabi ni Pasay City Police chief, S/Supt. Dio-nisio Bartolome, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa hindi nagpakilalang caller ang mga kawani ng Pasay City Regional Trial Court (RTC), Branches 109 at 111, si-nabing may bomba sa kasagsagan ng pagdinig dakong 1:00 pm kahapon.
Dahil dito, nagkaroon ng tensiyon at nabulabog ang mga empleyado. Agad silang pinalabas kaya pansamatalang naparalisa ang operasyon.
Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga kagawad ng Pasay City Police Explosive and Ordnance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) sa buong gusali .
Makaraan ang kalahating oras, nabatid na negatibo sa bomba ang gusali kaya bandang 2:00 pm ay bumalik sa normal ang operasyon.
(JAJA GARCIA)