HINDI lang mga terorista, target na rin ng martial law sa Mindanao ang narco-politicians na nagpopondo ng kanilang mga pag-atake sa rehiyon.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu kamakalawa, maglalabas siya ng isa pang general order na magsasali sa illegal drugs sa susugpuin ng batas militar na kanyang idineklara sa Mindanao noong 23 Mayo.
Matatandaan, ang rason na ibinigay ng Pangulo sa pagsailalim sa Mindanao sa martial law ay rebelyon o pag-atake ng Maute/ISIS sa Marawi City nang tangkang ares-tohin ng mga awtoridad si ASG/ISIS leader Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute, mga pinuno ng Maute terror group.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang magbabalangkas at administrador ng martial law.
“Ang first declaration ko was lawless elements kasali ang droga. ‘Yun nga ang number one. Isali ko na ngayon kasi ang rason na ibinigay ko sa declaration ng martial law, rebellion. I will come up with another general order. I think Lorenzana will do it. Siya ‘yung administrador ng martial law. Wala man kayong masabi. Military man rin ‘yan Delfin na ‘yan. Pati droga,” ani Duterte.
Dahil suspendido ang writ of habeas corpus, ipi-naalala ni Duterte sa mga taga-Mindanao na puwedeng arestohin ang sino man at uubrang maghalughog ang mga awtoridad kahit walang search warrant.
“Remember dito, walang warrant kailangan. Remember dito, I’d like to remind the entire Minda-nao, walang warrant to search, to arrest. ‘Yan ang tandaan ninyo. At wala kayong habeas corpus because the suspension of the writ of habeas corpus isinali ko na. Now nga-yon, nasa inyo ‘yan. But I advise you, tapusin na lang natin. Kaya sabi ko huwag ninyo akong pilitin kay ‘pag pinilit ninyo ako riyan, sosolbahin ko lahat ng problema ang naiwan,” dagdag niya.
“We will go after drugs and you can arrest them without warrant and you can search their houses without a search warrant,” sabi ni Duterte.
Nagsimula aniya ang terorismo sa pagpopondo ng drug money na sinak-yan ng extremism ng ISIS na walang ginawa kundi maghasik ng karahasan gaya ng pagpugot sa ulo ng kanilang mga bihag.
Tiniyak ng Pangulo, walang makukulong na pulis at sundalo sa pagpapatupad ng kanyang utos na ipatupad ang batas militar.
“It is a military rule, you take over certain functions from the civilians and I will do it by general orders pati ASSO. Wala akong Congress except ‘yung general order ko.‘Yung arrest, search and seizure order galing ‘yan sa DND. ‘Yan, para malaman ng lahat,” giit ng Pangulo.
Naunang inihayag ng Pangulo na ang magka-patid na Maute ang nagtayo ng pinakamamala-king shabu laboratory sa Lanao del Sur.
Kaugnay nito, isiniwalat ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, na narco politicians ang umaayuda sa Maute Group.
“Even before ‘yung July 1, pag-assume natin, ini-announce natin na mag-surrender iyung drug lords, we received information na lahat, karamihan ng drug lords dito sa Metro Manila, Luzon and Visayas ay pumunta doon sa Marawi at nagkaroon sila ng drug summit and they were protected by the Maute Group,” ani Dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame kahapon.
Matatandaan, noong 7 Agosto 2016 ay kasama si dating Marawi City Fahad Salic sa listahan ng narco-politicians na ibi-nulgar ni Duterte.
Si Salic ay dating asawa ng aktres na si Alma Moreno, at napaulat na isa sa mga umano’y ka-sabwat ng Maute Group.
(ROSE NOVENARIO)