MOSCOW, Russia – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi madali ang paglaban sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kailangan ang matinding pagkombinsi sa mga mamamayan upang hindi malason ang isipan at lumahok sa terorismo.
Sa panayam ni Marina Finoshina ng Russian TV, sinabi ng Pangulo, hindi nabigo ang pamahalaan sa kampanya kontra-terorismo nang magkaroon ng presensiya ang ISIS sa Filipinas bagkus ay ginagawa ang lahat ng paraan upang kontrolin na yumabong ito.
“Well, not really failed, but put it under control. It’s a state of mind that cannot be erased easily. So you have to fight it and then convince the others who are not into it yet, or at least their paradigm is not attuned to what the ISIS is or are doing, and, when you convince them, the violence may reduce to a minimum,” aniya.
Anang Pangulo, nag-uunahan ang mga bandidong grupo sa bansa upang kilalanin ng ISIS bilang sangay sa Filipinas kaya iniluklok si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon bilang lokal na pinuno ng ISIS.
Habang isinusulat ang balitang ito’y inihahanda ang press brefing nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kaugnay sa napaulat ng umano’y pagkubkob ng ISIS sa Marawi City kahapon.
Naniniwala ang Pangulo, Malaki ang maitutulong ng mga sopistikadong armas ng Russia sa paglaban sa ISIS sa bansa kompara sa mga gawa sa Amerika.
Matulungin at mapagbigay rin aniya ang Russians kaysa mga Amerikano.
“I know that Russia has it. I have not identified that yet, but I’m just playing with my mind that the Russians are brighter than the Americans. I think that they are more sophisticated, more precise. And I said that since Russia is brighter than America, I’ll go to Russia. Also, because the Russians are not only bright, they are generous and help all,” dagdag ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)