INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang live-in partners matapos mabigong tangayin ang isang taxi na kanilang hinoldap sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, sa media ang dalawang suspek na sina Jade Bertoldo, 18, at Jessa Lopez, 23, kapwa nakatira sa Denmark St., Tandang Sora, Quezon City.
Habang ang biktimang taxi driver ay kinilalang si Ronidel Bañez, 23, ng Meycauyan, Bulacan.
Ayon kay Bañez, sumakay ang dalawa sa kanyang taxi sa harapan ng UERM Memorial Hospital sa Magsaysay Blvd., Quezon City, at nagpahatid sa Tandang Sora.
Habang binabaybay nila ang 14th St., New Manila sa Brgy. Doña Mariana, papuntang Tandang Sora, biglang kinor-yente ni Lopez sa leeg ang driver gamit ang improvised electric pen, habang sinasaksak ni Bertoldo ang biktima ngunit nasalag ni Bañez.
Bagama’t sugatan, itinabi ni Bañez ang taxi at mabilis na lumabas.
Tinangkang paandarin ng babae ang taxi ngunit nabigo siya kaya nagpasya ang mga suspek na lumakad na lamang palayo.
Makaraan ang ilang minuto, iniulat ng isang residenteng nakasaksi sa krimen, ang insidente sa nagpapatrolyang police mobile car, na mabilis na nagresponde kaya naabu-tan ang mga suspek.
(ALMAR DANGUILAN)