Saturday , November 16 2024

Ayuda ng EU tablado kay Duterte (Utak-pulubi ibinasura)

TAAS-NOO at hindi utak-pulubing mentalidad ang dapat pairalin sa Filipinas bilang malayang bansa.

Ito ang inihayag ng Palasyo kahapon, makaraan magpasya na tablahin ang ayudang ipinagkakaloob ng European Union (EU) dahil sa pakikialam sa usaping-panloob ng bansa.

“The Philippines no longer accepts aid from EU to enable them not to interfere with our internal affairs. We’re supposed to be an independent nation,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Para kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan magkaroon ng kompiyansa sa sarili ang Filipinas lalo na’t umaangat ang ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Duterte at pangalawa sa pinakamabilis ang paglago sa Asya sa kasalukuyan.

“The Philippines is growing by leaps and bounds. In fact, right now, second I think, it is the se-cond fastest growing right now in Asia. So, I think we need to gain a certain confidence in ourselves. You know, this is exactly the kind of mentality, I think, that the President wants the Filipinos to avoid – a mendicant attitude, you know. And we’re not disrespecting the aid that we’ve received, but definitely we can. Our track record shows that we’re growing by leaps and bounds,” ani Abella.

Inaprobahan aniya ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Finance na huwag nang tanggapin ang “grants” ng EU na magpapahintulot na makialam sa “internal policies” ng bansa.

Ang hakbang ay ginawa ilang araw makaraan makasungkit nang bilyon-bilyong dolyar na “pledges” si Pangulong Duterte sa China nang dumalo sa One Belt One Road Forum sa Beijing.

Noong nakalipas na Marso, binatikos ni Pangulong Duterte ang aniya’y pagpapanggap na makatao ng mga leader ng EU gayong ang mga ninuno nila’y berdugo at eksperto sa mass murder o genocide sa sarili nilang mga kalahi noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigidig.

Sa joint resolution ng European Parliament ng European Union (EU), nananawagan sa kagyat na pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima, pagkabahala sa “drug war killings” at hinimok ang EU na gumawa ng mga hakbang upang matigil ang mga paglabag sa kara-patang pantao sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *