INAPROBAHAN ng National Food Authority (NFA) ang importasyon ng NFA sa pamamagitan ng “government to private scheme” upang mapalaki ang buffer stock ng ahensiya para sa nalalapit na lean months ng Hulyo at Setyembre.
Gayonman, ang Council ay naghihintay pa sa rekomendasyon ng National Food Security Committee’s (NFSC) kung gaano kalaki ang volume ng rice importation na isasagawa mula sa nalalabing 250,000 metric tons ng NFA. Ang NFSC ay nakatakdang magpulong sa Huwebes, 18 Mayo 2017.
Ang NFA ay lilipat din mula sa government to government (G2G) importation patungo sa go-vernment to private importation (G2P), hakbang na higit na “competitive, least corrupt and transparent.”
Dahil dito, imbes limi-tahan ang bidders sa government counterparts, ang private suppliers mula sa lumahok na mga bansa ay maaari nang sumali sa bidding, kaya ang buong proseso ay sakop na ng Government Procurement Reform Act hindi katulad sa kasalukuyang G2G scheme.
Dagdag ni NFAC Chairman Leoncio B. Evasco, “We have to make drastic changes in order to ensure corrupt free and competitive bidding process at the NFA. Hence instead of doing G2G, the Council will push for a G2P to increase accountability and transparency. While the G2G is exempt for the Government Procurement Reform Act, G2P is not.”
Iniutos ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa NFA na panatilihin ang rice buffer stock nang hanggang 15 araw at “at any given time” at para sa 30 araw sa panahon ng lean months. Sa kasalukuyan, ang daily consumption rate ng bansa ay 32,720 tons o 654,600 bags.
Ang lean months ay panahon na mababa o walang ani, kaya kailangan doblehin ang buffer stock upang matiyak na ang gobyerno ay may sapat na supply para sa panga-ngailangan ng mga biktima ng kalamidad sa alinmang bahagi ng bansa.
Ang NFA rice stocks ay inihahanda mula sa labis bilang pampuno sa kakulangan sa calamity prone areas sa loob ng dalawang buwan bago ang pagsisimula ng lean months.
Samantala, ang NFAC ay inaprubahan din ang importasyon ng 805,000 metrin tons Mi-nimum Access Volume (MAV) ng bigas ngayong taon. Ang MAV ay tumutukoy sa volume ng pa-ngangailangan na pinahihintulutang maangkat ng member country bilang pangako sa World Trade Organization (WTO).
Gayondin, ang NFA council, ay inatasan ang NFA Management na amiyedahan ang MAV Guidelines upang maatasan ang kalahok na traders na mag-import ng 25 porsiyento ng broken rice mula sa 25-30% quota. Ito ang magtitiyak nang sapat na supply at matatag na consumer prices sa antas na makakaya ng low-income families.
“We are looking at requiring the private sector to use 25-30% of their imports quota to buy 25% brokens. This way, we are assured that cheap rice will be made available in the local market. This po-licy shift is more consistent with the President’s pro poor policy,” paha-yag ni Velasco.
ni Rose Novenario