AMINADO si Tommy Esguerra na nanlamig siya sa ex-girlfriend na si Miho Nishida bago pa sila nagkahiwalay. Umabot din ng isang taon at kalahati ang kanilang relasyon.
Naramdaman din niya na ilang months na rin na hindi sila happy.
Siya nag-iniate ng break up. Kumbaga, one sided decision ang nangyari.
Napansin lang ng netizens na mas matipid si Miho sa pagsasalita sa split up nila. Mas madalas ba ang exposure ni Tommy kaya siya lang ang natatanong?
Idiniin pa ni Tommy na wala sa isip niya ngayon na makipagbalikan kay Miho. Wala na silang communication. Naghanap siya ng space.
TALBOG – Roldan Castro