HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN leaders na mamuhunan sa kabataan upang mai-layo sila sa banta ng illegal drugs.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng World Economic Forum (WEF) on ASEAN sa Phnom Penh, Cambodia kahapon, pinuri ng Pangulo ang potensiyalidad ng mga kabataan sa rehiyon kaya dapat silang suportahan upang mapatampok ang kanilang kakayahan, karunungan at iiwas sa paggamit ng illegal drugs.
“The ASEAN youth are among the best and are most creative, intelligent, and innovative in the world. We must empower them to be the best version of themselves,” aniya.
Hindi aniya dapat magbulag-bulagan ang mga pinuno ng ASEAN sa pinsalang dulot ng illegal drugs sa kabataan at kinabukasan ng lipunan.
Kailangan aniyang magkaisa sila sa layu-ning wasakin ang apparatus ng drug syndicates at isulong ang pagkakaroon ng drug-free ASEAN community.
“But we cannot turn a blind eye on the scourge of illegal drugs that threatens our youth and the future of our societies. We need to take a committed stand to dismantle and destroy the illegal drugs trade apparatus. We must reaffirm our commitment to realize a drug-free ASEAN community,” sabi ng Pangulo.
“Most importantly, we should invest in human capital. Analysts point out that the Phi-lippines, together with Southeast Asian countries, is a demographic sweet spot and is likely to post Asia’s fastest economic growth rates in the coming years,” dagdag niya.
Ang sektor ng kabataan aniya ang dapat buhusan ng puhunan at suporta.
“The youth is certainly a key sector that we must invest in. The ASEAN Work Plan on Youth 2016-2020 encourages youth entrepreneurship, employment, and employability awareness, volunteerism, and resilience. The plan deserves our full support,” giit niya.
(ROSE NOVENARIO)