Saturday , November 16 2024

Bitag ni Soros ‘di kinagat ni Duterte (I hear the idiot, another idiot in this planet — Digong)

051117_FRONT
BOKYA ang inilalatag na bitag ni American-Hungarian billionaire George Soros laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipa-convict siya sa International Criminal Court (ICC) sa pagpapalutang na walang masamang epekto ang shabu kaya mga inosente ang biktima ng kanyang drug war sa pamamagitan ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard.

Sa panayam sa Pa-ngulo sa NAIA Terminal 2 bago umalis patungong Cambodia, Hong Kong at China, sinabi ng Pangulo, si Soros ang may-ari ng Open Society Foundation na nagpapakana na mai-swak siya sa kasong crimes against humanity sa ICC  bunsod ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) dulot  drug war ng kanyang administrasyon.

“George Soros is really the owner of … itong … Open Society Foundation. Siya iyan. Ngayon, itong projected ano nila, I will resist it,” aniya.

Batay sa ulat may ugnayan sina Callamard at Soros dahil dating konektado ang UN special rapporteur sa mga pinopondohang human rights group ang Hungarian-American billionaire gaya ng Human Rights Watch at Amnesty International.

Naging kontrobersi-yal ang post sa Twitter ni Callamard  ”Prof Carl Hart: there is no evidence Shabu leads to violence or causes brain damage #Philippines drug policy forum” noong Huwebes.

Anang Pangulo, hinusgahan nina Calla-mard at African-American professor Carl Hart ang shabu na walang masamang epekto sa isip at kalusugan ng tao kaya magbibigay-daan ito para ipa-convict siya sa ICC.

Hindi aniya papatulan ng Pangulo ang kaso sa ICC dahil ikinakasa na nina Soros, Callamard at Hart ang senaryo na hindi totoong masasamang tao ang mga sangkot sa shabu sa napatay sa kanyang drug war.

“Why? They have prejudged shabu and announced – ewan ko scientific – na it is not a virulent chemical. Pagkaganoon, wala na tayong pag-usapan. Bakit mo ako idemanda riyan sa ICC kung kayo mismo, anak ng p*******a, sinasabi na ninyo na iyang shabu ay hindi nakakasira ng …. You have prejudged eve-rything, and you are referring to the core of the complaint against me. Why would I go there and hang myself?” giit ng Pa-ngulo.

Kinutya ng Pangulo sina Callamard at Hart na gagastusan niya para makapag-honeymoon dahil pareho ang inilalakong teorya na hindi masama ang paggamit ng shabu.

“She (Callamard) should go to a honeymoon with that Black guy, the American. They should … I will pay for their travel. They should be together and discuss between … silang dalawa,” anang Pangulo.

“And they know that ang Filipino gago, some but not all. Maski alam nilang masisira sila, kakatok sila, may pumunta pa rito na doctor… Umalis na ba? Ang buang na… Black na…Sinabi niya ang shabu hindi raw makasira sa ulo. Kaya pala pumunta rito ‘yung p***** i**** ‘yon, sira na ang ulo at mag-a-announce dito. I was just listening to one of the stations and I hear the idiot, another idiot in this planet. Imagine saying that shabu cannot harm a person. E samantala pagpapatayin mo nanay mo pati tatay mo dahil ‘yung guardian angel nagbubulong sa iyo…” dagdag niya.

Dati nang isiniwalat ni Duterte na sina Soros at Fil-Am millionaire Loida Nicolas-Lewis, tagasuporta ng Liberal Party tandem Mar-Roxas-Leni Robredo, ang gumagastos sa destabilisasyon laban sa kanyang admi-nistrasyon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *