NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado ngunit alerto kasunod nang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Habang gumugulong ang imbestigasyon, hinimok ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga mamamayan na iulat sa mga awtoridad ang ano mang kaduda-dudang aktibidad o pagkilos sa kanilang komunidad.
Labis aniyang nalungkot ang Malacañang sa pagkamatay ng mga biktima, at umaasa sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan.
Hiling ni Abella, tigilan ang pagpapadala ng mga balita mula sa hindi beripikadong sources, na maaaring magdulot ng alarma at panic.
“We are saddened by the loss of lives brought by yesterday’s night explosions in Quiapo. We likewise wish for the immediate recovery of those who were wounded. While investigation is now ongoing, we ask the public to remain alert and immediately report to authorities any suspicious activity or movement.Also, we urge our people to refrain from forwarding news from unverified sources that may cause undue alarm and panic,” ayon kay Abella.
(ROSE NOVENARIO)