SASAMPAHAN ng kaso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat pang barangay chairman sa Office of the Ombudsman, dahil sa pagkabigong imantina ang paglilinis sa mga creek sa kanilang nasasakupan.
Pansamantalang hindi muna binanggit ng abogado ng MMDA na si Atty. Victor Nuñez, ang pagkakakilanlan ng apat barangay chairman na sasampahan ng kasong admi-nistratibo sa Ombudsman.
Inihahanda na nila ang ang mga ebidensiya laban sa mga nabanggit, at kasalukuyan nang isinasailalim sa surveillance ang kanilang nasasakupan.
Bukod aniya sa traffic management, trabaho rin ng MMDA ang magmantina ng kalinisan sa buong Metro Manila, kabilang dito ang mga dalu-yan ng tubig.
Sinabi ni Nuñez, ang hakbangin ng MMDA laban sa mga barangay chairman na hindi na-kikipagtulungan, ay bunsod nang mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Nitong nakaraang linggo, kinasuhan sa Ombudsman ng MMDA ng “neglect of duty” sina barangay chairmen Jesus Lipnica, Brgy. Piñahan; Teodoro Calaunan Sr., ng West Crame; at Telesforo Mortega, ng San Roque District II, sa Quezon City.
Nitong nakaraang buwan asunto ang ina-bot nina Brgy. Captains Michael Philip Factor, ng Brgy. Don Galo (Paranaque City); Elmer Maturan, Brgy. Bagumbayan (Quezon City); Antonio Benito Calma Jr., ng Brgy. Don Manuel (Quezon City) at Clarito de Jesus, ng Brgy. Veterans Village (Quezon City).
(JAJA GARCIA)