Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, aminadong nailang kay Gerald nang unang makita

AMINADO si Kim Chiu na nailang siya nang muli silang nagkita sa unang pagkakataon pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Gerald Anderson para sa taping ng kanilang Ikaw Lang Ang Iibigin mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Pero mabilis namang nawala ang pagkailang nang gumiling na ang kamera kaya naman natutuwa si Kim.

Aniya, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang trabaho kung mayroon pang wall sa kanila ng actor.

Ang Ikaw Lang ang Iibigan ay ukol sa pagtupad ng pangarap at pagkamit ng tunay na pag-ibig. Mula sa Sana Maulit Muli, My Girl, Your Song,  Tayong Dalawa, at Kung Tayo’y Magkakalayo, muling mapapanood ang KimErald sa naiiba nilang pagganap sa telebisyon na dapat abangan ng kanilang mga tagasuporta. Masasaksihan din ang bagong tambalan nina Jake Cuenca at Coleen Garcia na tiyak magmamarka sa puso ng mga manonood.

Ang kuwento ay ukol kina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald), magkababatang determinadong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Nangangarap si Bianca na maging triathlete para masuportahan ang kanilang pangangailangan. Gayydin si Gabriel, na sanay sa laban ng buhay at nabubuhay para sa pamilya. Sa pagtupad nila ng kanilang mga pangarap, mararamdaman din nila ang unang pag-ibig sa unti-unting pagkakalapit ng kanilang mga puso.

Kasama rin sa Ikaw Lang ang Iibigin sina Gina Pareño, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael De Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes, at Grae Fernandez. Ito ay idinirehe nina Dan Villegas at Onat Diaz at sa panulat nina Noreen Capili at Anton Pelon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …