Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JuliaNella, bagong teen dance tandem na pasisikatin ng sisikat

SAYANG at hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mainterbyu ng one on one sina Julian Trono at Ella Cruz dahil nakaalis na kami na hindi pa natatapos ang presscon ng sinasabing rising teen dance tandem na tiyak magte-take over sa local entertainment world.

Sa pakikipaghuntahan namin kay Leigh Legaspi, Asst. VP of Video Marketing and Label Manager ng Viva, naka-23 mall show na ang JuliaNella. At sa mall show na iyon, lahat ay big hit.

“Grabe ang response sa kanila ng tao. Talagang pinagkakaguluhan sila. Actually marami pa kaming nakapilang mall show sa JuliaNella,” kuwento ni Ms. Legaspi.

Si Boss Vic del Rosario ang nakaisip pagtambalin ang dalawa. Talagang may mata ang Viva’s big boss pagdating sa pagpe-pair ng kanyang mga artista.

Nag-umpisang ipareha ang JuliaNella sa pre-production work ng kanilang launching movie na may working title na Fanboy/Fangirl. Dito sa romance-comedy movie, gagampanan ni Julian ang isang wannabe actor at si Ella naman ay gaganap na isang Koreanovela dubber na tutulong kay Julian para ma-improve ang acting skills nito para makuha ang matagal nang inaasam na big break.

Isang fell-good youth pop piece ang pelikula na tulad ng Diary ng Panget na mula sa Wattpad.

Gagawin din ng JuliaNella ang TV series na base rin sa Wattpad na naging bestselling book series, ang Break The Cassnova’s Heart na mapapanood sa third quarter ng taon.

“We’re so blessed with all these opportunities,” ani Julian. “Sunod-sunod ang mga project. We’re super thankful to Viva.”

Excited naman si Ella at ninenerbiyos sa opportunity na ibinigay sa kanila ng Viva. “Nakaka-tense rin for me and Julian to prove ourselves. For sure we’ll give our all para hindi kami mapahiya sa fans and supporters namin.”

Ang dalawang total performer ay ibinibigay din ang kanilang buong galing sa kanilang music, hindi lamang sa kanilang hit dance cover videos. Ini-release late last year ang kanilang solo singles mula sa Viva Records, ang charttopping na Tamis at Balang Araw at isusunod na rin ang kauna-unahan nilang duet, ang Tumalon. Itoý pare-parehong upbeat tracks na nagpapakita ng kanilang galing sa pagsayaw gayundin ang pop vocals.

Itinuturing na biggest video hit ni Ella ang version niya ng Fifth Harmony’s Work It, na nakakuha ng 6 million views. Samantalang si Julian naman ay sa kanyang Fetty Dance Craze na mayroong 4 million views. Ang kanilang first collaboration video na Versace on the Floor na inirelease noong Pebrero ay nakakuha ng 3 million views.

Main featured din ang JuliaNella tandem sa PPop Generation ng new OPM artists na kasalukuyang pinagkakaguluhan at tinatangkilik ng mga kabataan sa tuwing mayroong show sa mga mall sa Metro Manila at kalapit lalawigan simula noong Enero.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …