HINDI dapat magpadalos-dalos si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon sa pagtulong sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga insidente ng extrajudicial killings (EJKs) dulot ng drug war.
Nanindigan si Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang inihaing reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ng abogadong si Jude Sabio, ay walang basehan kaya hindi kailangan agad na sumawsaw si Gascon.
“The Commission on Human Rights has a mandate to perform which the Executive Department respects. However, the communication filed to the International Criminal Court (ICC) against President Duterte is based on untenable grounds, which CHR ought to be circumspect about,” ani Abella.
Sinabi ni Abella, pursigido ang Pangulo na tuparin ang pangakong ibalik ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno, makamit ang kapayapaan at mapaganda ang buhay ng bawat Filipino.
Hindi aniya nagpaabala ang Pangulong Duterte sa isinampang reklamo laban sa kanya na “crime against humanity” ni Sabio sa ICC.
(ROSE NOVENARIO)