Saturday , November 16 2024

PNP palpak, Nobleza ‘di dumaan sa debriefing (Relasyon sa ASG umusbong sa interogasyon)

042617_FRONT

HINDI dumaan sa ‘debriefing’ ang lady police colonel makaraan niyang isailalim sa interorgasyon ang terorista kaya umusbong ang kanilang relas-yon, na hindi na-monitor ng Philippine National Police (PNP).

Ang debriefing ay prosesong pinagdaraanan ng isang kagawad ng pulis o militar, makaraan ang isang misyon upang makilatis siya, pati ang mga nakalap niyang impormasyon, bago bumalik sa regular duty.

Nabatid na si Supt. Cristina Nobleza, noong nakatalaga pa sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang nag-interrogate kay Renierlo Dongon, sinasabing Abu Sayyaf member, nang madakip noong 2013 sa kasong pambobomba sa Maxandrea Hotel sa Cagayan de Oro City.

Sa paulit-ulit na pag-uusap nina Nobleza at Dongon, umusbong ang kanilang relasyon hanggang mabuko nang madakip silang dalawa sa tangkang pagsagip sa mga tinutugis na ASG members sa Bohol noong nakalipas na linggo.

Bago naaresto, si Nobleza ay deputy chief ng PNP Crime Laboratory office sa Davao Region, nauna rito’y naitalaga rin siya sa Intelligence Group, sa PAOCC, at office of the PNP chief, at PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman, B/Gen. Restituto Padilla, kailangan suriin at pag-aralan ang lawak at lalim ng ugnayan at partisipasyon ni Nobleza sa ASG.

Tiniyak ni Padilla, walang Nobleza sa hanay ng AFP dahil sinisiguro ng militar na sapat ang mga sinusunod nilang patakaran sa intelligence units.

Sa AFP aniya, isang pangkat at hindi isang tao lang ang nagsasagawa ng interogasyon at lahat nang tinalakay sa arestadong suspek ay dokumentado.

“Ang ating procedure sa Armed Forces, ‘pag ganito, hindi lang nag-iisa ang nagsasagawa ng interogasyon o ang pagtatanong, may kasama si-yang team, kabahagi ng team na ‘to, may nagdo-document, may nagre-record. So kampante kami na ‘yung ating sinusunod na mga procedures, lalo na sa intelligence organizations natin ay sapat,” ani Padilla.

Kasama nina Nobleza at Dongon na nadakip sa Bohol ang isang matandang babae na ina ng mga babae na naging asawa nina Indonesian terrorist Zulkifli bin Hir, alias Marwan; Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani; Abu Solaiman, na sabit sa 2004 Superferry bombing, at Ahmad Santos, founder ng Rajah Solai-man Movement (RSM).

ni ROSE NOVENARIO

NOBLEZA, ASG MEMBER
NASA CRAME NA

NASA Maynila na sina Police Supt. Maria Christina Nobleza at ang Abu Sayyaf Group (ASG) member Renierlo Dongon.

Ang dalawa ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula sa Bohol lulan ng Cebu Pacific flight, na escorted ni PNP Regional 7 Intel chief, S/Supt. Jonathan Cabal.

Sinalubong sila ng Aviation police, sa pa-mumuno ni Supt. Christian Melchor sa NAIA terminal 3, saka mabilis na inilipat sa nakaantabay na bus sa rampa para dalhin sa Camp Crame.

Sina Nobleza at Do-ngon ay inaresto ng mga awtoridad nang hindi tumigil sa isang checkpoint, sa Brgy. Bacani, Clarin, Bohol, kasalukuyang tinutugis ng mga pulis at sundalo ang ilang natitirang ASG doon.

Kabilang sa mga pasaherong natagpuan sa loob ng sasakyan ay isang menor de edad at matanda na sinasabing biyenan ng napatay na bomb ma-ker na si Zulkifli bin Hir alias Marwan, Janjalani Khadafi, Abu Sulayman, at Akhmad Santos na sinasabing ama ng bata.

‘SLEEPER CELL’
SA AFP MALABO

KOMPIYANSA ang mili-tar na walang sleeper cell o espiya ang mga kaaway ng estado sa Armed For-ces of the Philippines  (AFP).

Sinabi ni AFP Spokesman Restituto Padilla, malakas ang counter-intelligence units ng AFP at tuloy-tuloy na nakatutok sa mga kagawad nila u-pang hindi mahimok na umanib sa kalaban.

“So the effort of counter-intelligence and checking our ranks for any possible informants or those who can be working with the enemy never ceases, never stops. So it’s done in a 24/7 basis, it is continuing and it is focused on specific areas that could be possibly threatening to our security,” ani Padilla.

Ang pahayag ay ginawa ni Padilla kasunod nang pagdakip kay Police Supt. Cristina Nobleza kasama ang lover niyang hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) member na si Renierlo Dongon, na may planong sagipin ang tinutugis na mga terorista sa Bohol.

“So, hopefully, this is just an exception to the rule. But on our part sa Armed Forces, tulad nga ng sabi ko, may dedica-ted effort para siguraduhin na hindi po ito mangyayari,” ani Padilla.

“Ang counter-intelligence ay nakatuon sa organisasyon kung may mga espiya sa loob, kung may mga tumutulong sa kalaban tulad ng aking nabanggit.This is a continuing effort. This never stops,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

BARIL, IED MATERIALS,
DOCUs NAKUHA
SA BAHAY NI NOBLEZA

LALO pang nadiin si Supt. Maria Christina Nobleza makaraan ma-kompiskahan ng mga ba-ril, improvised explosive device (IED) materials, at mga dokumento sa terrorist activities, sa kanyang bahay sa Malayba-lay City, sa lalawigan ng Bukidnon.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Malaybalay City RTC Branch 9 Judge Ma. Theresa Aban-Camanong, dakong 9:00 pm kamakalawa, nang pasukin ng tauhan ng CIDG Region 10, ang bahay ni Nobleza sa Pine Hills Executive Homes, Purok 5, Brgy. Caisang, Malaybalay City.

Kabilang sa natagpuan sa bahay ni Nobleza ang isang M-16 na may pitong magazine, isang cal.45; isang M-16 bandoler; mga materyales sa paggawa ng  IED, yellow timer; 1 set ng soldering iron; 66 non-electic blasting caps; 1 pc. 9 volts battery, at 1 pc. tester, at mga dokumento na may kinalaman sa terrorist acti-vities.

(JETHRO SINOCRUZ)

TAUHAN NI NOBLEZA
IIMBESTIGAHAN NG PNP

TINIYAK ng Pambansang Pulisya, hindi ligtas sa imbestigasyon ang mga tauhan ni Supt. Ma-ria Cristina Nobleza, o-pisyal ng PNP Crime Lab Region 11, sinasabing may relasyon sa isang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Ayon kay PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, bilang isang high ranking official, may mga tao si Nobleza na posible aniyang malapit sa kanya, at maaaring naimpluwensiyahan.

Maaari aniyang may alam o may mga impormasyong puwedeng mapiga ang mga pulis mula sa mga tauhan ni Nobleza, na makatutulong sa imbestigasyon.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *