PATULOY na naki-kipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Filipinas sa Chile kaugnay sa nangyaring 6.9 magnitude lindol sa Valparaiso.
Sinabi ni Foreign Affairs spokeperson Roberspierre Bolivar, naki-kipag-ugnayan ang Embahada ng Filipinas sa Santiago City, at sa Filipino Community roon para tiyakin ang kalaga-yan ng ating mga kababayan sa naturang bansa.
Sa inisyal na ulat mula sa Embahada ng Filipinas sa Santiago City, wala pang naitalang pinsala, nasaktan o namatay na Filipino mula sa nasabing pag-yanig na Valparaiso sa bansang Chile.
(JAJA GARCIA)