Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Bayaw ni Camata timbog sa droga (P1-milyon bank deposit slips nakuha)

ARESTADO ang sinasabing supplier ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DEU-SPD), sa Brgy. Ususan, Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, ang naares-tong suspek na si Wilfredo Santos, 51, tricycle driver, ng nasabing barangay.

Napag-alaman, si Santos ay asawa ni Janet Santos, pinsan ng high profile inmate sa New Bilibid Prison, na si Ricardo Camata.

Ayon sa report ni Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng DEU-SPD, dakong 8:00 pm nang mahuli si Santos sa Brgy. Ususan makaraan bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Nakuha kay Santos ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 mark money na ginamit sa operasyon.

Nakuha rin mula sa suspek ang visitor’s pass mula sa NBP na nakapangalan sa kanyang asawa, at maraming bank deposits slip na aabot sa P1 milyon.

Hinala ng pulisya, posibleng galing sa NBP ang droga na  ibinabagsak ng suspek sa Brgy. Ususan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *