Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon

1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid

KAHAPON, lumipad na patungong Houston, Texas si Lotlot dahil kasali ang pelikula niyang 1st Sem sa 50th WorldFest Houston International Film Festival.

Pero bago ito, nagkaroon muna ng celebrity screening ang 1st Sem noong Sabado na dinaluhan ng mga bida nitong sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, Marc Paloma, at Sachie Yu.

Ayon kay Rommel Gonzales, kaibigan ni Lotlot at publicist ng 1st Sem, tuwang-tuwa si Lotlot sa pagdalo ng mga kapatid ng aktres sa naturang celebrity screening. Dumating sa screening sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon kaya ganoon na lamang ang katuwan ni Lotlot.

Matal na kasing hindi nagkakasama sa isang pagtitipon na kompleto ang magkakapatid, ayon kay Gonzales.

“May mga kanya-kanyang schedule,” tugon ni Lotlot.

Nasorpresa si Lotlot na lahat ng kanyang kapatid ay dumating.

Bukod sa magkakapatid, nanood din sina Diego at Maxine Gutierrez.

Ang 1st Sem ay istorya ukol sa single mother na kung paano niya itinaguyod ang mga anak. Na ang buong akala ng ina’y okey o kaya niyang mag-isang palakihin ang tatlong anak na kalauna’y nagkaroon ng mga problema. Rito pumasok ang importansiya ng komunikasyon. Maayos naipakita ng mga director nitong sina Dexter Hemedez at Allan Ibanez ang conflict ng walang ama sa tahanan.

Mapapanood na ang 1st Sem sa mga sinehan sa April 26.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …