Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Neil at Angel, magkasama rin sa Taiwan (bukod sa HK) para manood ng Coldplay

FOLLOW-UP ito sa namumuong relasyon nina Neil Arce at Angel Locsin na hindi lang pala sa Hongkong sila nakita nitong Semana Santa kundi sa Taiwan din dahil nanood sila ng Coldplay concert.

Yes, Ateng Maricris bukod sa nanood sila sa SM MOA grounds ay sinundan pa sa Taiwan.

Ang kuwento ng aming source, “marami po kasing kasama si Neil sa MOA, nandoon din si Bela (Padilla), kaya hindi sila nakapagsolo ni Angel. Sa Taiwan, kasama ni Angel mga kaibigan nila, si Bubbles Paraiso at kapatid nito plus Neil.”

Mukhang marami pang mabubuko kina Neil at Angel, pero ang nakatataka since pareho naman silang single at walang natatapakang tao, bakit hindi pa sila umaamin kung anong mayroon sila.

Dagdag din ng isa pa naming source, “nandoon din si Neil sa birthday party ng daddy ni Angel last February 18 sa Blue Leaf Cosmopolitan (Libis), mukhang kilalang-kilala na si Neil ng family ni Angel.” So kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …