Saturday , November 16 2024

LP ‘di suportado impeachment complaint vs Duterte

IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ng Liberal Party, na hindi susuportahan ang ano mang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Pangulong Duterte ay inihalal ng 16 milyong Filipino para mamuno sa bansa at ano mang hakbang para patalsikin siya sa poder ay pagtatangka na pigilan ang kagustuhan ng mga mamamayan.

Naniniwala ang Palasyo, ang kahit anong impeachment process ay kontra sa pag-arangkada ng Filipinas na pinakamabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa Timog Silangang Asya.

Giit ni Abella, walang lugar ang mapanirang politika sa panahong nasa rurok nang pag-sulong ang ekonomiya ng bansa.

“We welcome the Liberal Party’s position not to support any impeachment move against President Rodrigo Duterte. President Duterte being the duly elected leader of our country with no less than 16 million Filipinos who voted for him. Any act to remove him from office is an attempt to subvert the people’s will. In addition, any impeachment process would be counter-productive for the Philippines which has been described to be the fastest growing in Southeast Asia. We therefore have to seize our economic momentum and not to be derailed by destructive politics,” ani Abella kahapon, sa text message sa Palace reporters.

Inihayag nitong Huwebes ni Deputy Speaker Romero “Miro” Quimbo, base sa ginanap na pulong ng LP kamakailan, napagkaisahan na hindi aayudahan ng partido ang ano mang impeachment complaint na isinampa laban kina Duterte at Vice President Leni Robredo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *