Friday , December 27 2024

PCInsp Rommel Macatlang Ulirang alagad ng batas, tunay na serbisyo sibil

KATULAD ng kanyang kapatid na si PCSUPT DANIEL MACATLANG, si Rommel ay isang opisyal ng PNP na masipag, marunong at matino.

Sa kasawiang-palad, napaslang  si Rommel kamakailan ng dalawang salarin na tandem-riders habang nagpapa-gas sa isang gasolinahan sa Pasig City matapos makapanggaling sa isang piging sa Camp Crame.

Nakatalaga siya sa NCR CIDU at ang huling assignment niya ay bilang Team Leader o hepe ng NCR CIDU Eastern.

Sinasabi ko ito sapagkat kapanahunan ko sa bantog na CIDG, na kilalang-kilala noon na CIS o Criminal Investigation Service, bilang isang operatiba sa ilalim ni dating General Antonio Uy  at direktang nasa TF Sampaguita na pinamumunuan noon ni General Ramon Montano.

Sariwa pa sa aking alaala ang mga heroics ng magkapatid hanggang noong 2005 nang magretiro ako.

Naging usap-usapan sa law enforcement circle ang kasikatan ni Rommel, isang kilalang sleuth o tiktik sa larangan ng police operations. Hindi matatawaran ang sipag, tiyaga, talino at tapang  niya.  Marami siyang score sa anti-criminality thrust ng CIDG at bagamat ito ay sarili niyang sikap at “nose” for police operations, minabuti niyang, ito ay mai-kredito sa kanyang hepe.

“Koyang si tsip lagi mong uunahin sa paggawa ng anomang papuri at sa bandang huli na lang ako,” ito ang laging bukambibig ni Rommel.

Hindi marunong umangal o mag-gripe ‘ika nga si Rommel, tulad noong bago ako magretiro, ang pinakagusto kong hit ni Rommel ay nang nabuwag niya ang isang sindikato ng droga na ang espesyalidad ay paggamit ng “drug mules” o mga biyahero ng droga na ipinapasok sa katawan ang mga mala-tubong powdered illegal substances at kapag nakarating na sa destinasyon ay doon idudumi ang mga drogang nakasupot sa plastic na animo’y maliliit na hotdog o longganisa ang hitsura.

Marami pang mga sensational na trabaho si Rommel, isang kontribusyon niya sa anti-criminality effort ng CIDG,  bagay na laging nangunguna ang NCR CIDG sa yearly anniversary celebration ng CIDG dahil sa impact nito vis-a-vis sa mandato ng unit sa pag-aresto ng mga wanted person, neutralization of armed groups and solution of major and sensational criminal cases.

Kabahagi si Rommel sa mga parangal at papuri ng NCR CIDU at ng buong PNP CIDG!

Bilang huling pagpupugay kaibigang Rommel Macatlang, dala mo kahit saan ka paroroon ang mga papuri ng pambansang pulisya at mamamayang Filipino sa pagiging isang ulirang serbisyo-sibil, alagad ng batas at walang-kiming pagsunod sa doktrinang “To serve and protect… at the cost of dear life and life and limb, that others may live.”

Rest in peace, my dear friend and comrade!

SOUNDING BOARD NI KOYANG
Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *