DAPAT managot ang mga opisyal ng administrasyong Aquino sa mga itinayong bulok na pabahay na inagaw ng grupong Kadamay.
“Sa totoo lang ho, inikot ho namin ‘yan. Talagang bulok ho ‘yung marami sa mga naitayo ho roon and we really have to be frank with eve-rybody about it. And in fact, some form of accountability needs to be undertaken towards eve-ryone that had been involved in building all of those houses,” ayon kay Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon, sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Base aniya sa pagdinig sa Senado, hindi kinonsulta ng housing authorities noong administrasyong Aquino, ang mga pulis at sundalo bago itayo ang P18.5 bilyon flagship housing project para sa AFP and PNP personnel.
“Tingin ko dapat ho may managot kasi sa loob ho ng mahabang panahon, zero ho ’yung tumira e. ‘Di ho ba? Parang, I would say that it was a project that was meant to fail. Parang ganon,” aniya.
Naniniwala si Ridon, may dapat makulong dahil pera ng bayan ang ginamit sa mga nakatiwangwang na housing projects na inokupa ng Kadamay.
“Kasi pondo ho ng bayan ho ‘yan e, tapos e… Basta whatever it is that, whatever accountability that can be exacted — civil, administrative, criminal it ought to be undertaken in respect to this project,” aniya. Si dating Vice President Jejomar Binay ang nagsilbing housing czar noong administrasyong Aquino. (R. NOVENARIO)