Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Can’t Help Falling In Love, naka-P33-M agad

SAKSI kami sa napakaraming nanood at block screening sa first day showing pa lang ng pelikulang Can’t Help Falling In Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong Sabado, Abril 15.

Isa kami sa naimbita sa pamamagitan ng aming kolumnistang si Reggee Bonoanpara sa pa-block screening ng Ka Dreamers World sa SM Light, Mandaluyong City, noong Sabado, 6:00 p.m..

Nagtungo roon sa SM Light ang KathNiel na tulad ng inaasahan ay pinagkaguluhan ng napakarami nilang fans, kasama na ang aking anak na si Ysabelle Andrea. Pero bago pala dumating roon ang dalawa ay marami na silang sinehang pinuntahan.

Nauna silang nagtungo sa Trinoma Cinema, isinunod ang FisherMall at pagkaraan ay Robinsons Galleria, at SM Megamall. At saka pinuntahan ang SM Light na nang mga oras na iyon ay dalawa sa tatlong cinema ang nagpapalabas ng CHFIL at ilang block screening ang naka-sched.

Dinig namin, may ilan pang sinehang pupuntahan ang dalawa after ng SM Light.

At ayon sa post na nakita namin mula kay Mico del Rosario, Star Cinema’s adprom officer, naka-P33-M ang Can’t Help Falling In Love noong Sabado. Ito bale ang biggest Black Saturday opening ng isang Filipino Film. Considering nga namang Black Saturday noong nag-open ang CHFIL, malaking tagumpay na ito sa Star Cinema gayundin sa KathNiel.

Congratulations sa bumubuo ng Can’t Help Falling In Love, sa Star Cinema, gayundin kina Daniel at Kathryn.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …