PABOR sa rice smugglers ang government to government (G2G) rice importation na isinusulong ni National Food Authority (NFA ) Administrator Jason Aquino, ayon kay dating Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez.
Sa kalatas ni Valdez, sinabi niya, ang government to government (G2G) ay hindi saklaw ng procurement law kaya puwedeng magamit sa smuggling at corruption.
“It is only G2G that is exempt from the procurement law, thus, making it prone to government sanctioned smuggling and corruption,” aniya.
Dahil ang NFA aniya ang mamahala sa rice importation, puwedeng impluwensiyahan nito ang supplier kung ano ang pipiliin na logistics provider kaya makakukuha ng rebates sa cargo handling.
Mas mataas aniyang halaga ng logistics, mas mataas ang presyo ng NFA rice.
Maaari rin aniyang gamitin ang G2G sa over importing/over loading ng mismong gobyerno upang mapagbigyan ang “dubious traders” o pasakay dahil ang NFA ang nag-iisyu ng permit at nagmo-monitor ng lahat ng aktibidad sa buong proseso ng G2G na hindi mababatid ng publiko.
Giit ni Vadez, ang pangunahing papel ng NFA ay hindi umangkat ng bigas para mabaon sa utang ang gobyerno, bagkus ay para suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan nang pagbili sa kanilang ani.
Binatikos ni Valdez si Aquino na posturang pro-local farmers pero i-pinupursige ang G2G na nagagamit ang pondo ng NFA sa pagbili ng bigas sa labas ng bansa imbes bilhin ang palay sa mga lokal na magsasaka.
“Bakit hindi bilhin ang palay ng mga magsasaka natin na may P4 billion ang NFA para ri-yan?” ani Valdez.
Inilinaw ni Valdez, hindi tutol ang National Food Authority Council (NFAC) sa G2G sa anyong pag-aangkat ng bigas ngunit hindi nga-yon ang tamang oras para gawin ito lalo na’t baon sa utang ang NFA.
Kung mayroong local produce doon dapat ilaan ang pondo ng NFA habang puwedeng maging papel ng pribadong sektor na sila ang mag-ang-kat ng bigas upang hindi magamit sa tamang paraan ang pondo ng pamahalaan.
“That leaves me strongly disgusted by some of these appointed officials’ excitement and desperation to earn profits out of their positions, all in the name of money,” sabi niya.
NFAC DIALOGUE KAY DUTERTE
HINAHARANG NI BONG GO
MATAGAL nang humihirit ang NFAC na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco, ng dialogue kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tila hinaharang sila ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.
Isa ito sa hinaing ni Chavez sa kanyang kalatas. Ngunit sina Agriculture Secretary Emmanuel Pinol at Aquino ay nakadidirekta aniya sa Pangulo.
“The NFAC members have also long been requesting for a dialogue with the President, again, through OSAP. This leads us wondering, how come Jason Aquino and Emmanuel Piñol, were able to get direct access to the President, when the Cabsec has been trying to get through the President from the gatekeeper (OSAP), but to no avail? To date, it appears to us that this request, along with the documents submitted by the OCS, which were personally handed down by Cabsec to the head of OSAP, have either failed to reach the President or have been tampered,” ani Valdez.
Si Evasco, dating pari at rebeldeng New People’s Army (NPA), ang itinuturing na political genius sa likod ni Pangulong Duterte mula pa nang siya’y maging alkalde ng Davao City.
Napaulat na suportado ni Evasco si Valdez kahit sinibak ni Pangulong Duterte kamakailan dahil sa isyu ng rice importation at kinampihan si Aquino.
Ang NFAC ay binubuo ng Cabinet secretary, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor, Development Bank of the Philippines (DBP) chairman, Land Bank of the Philippines (LBP) president, Finance secretary, Trade Secretary, NEDA Director-General, NFA, at isang kinatawan mula sa sektor ng magbubukid.
Matatandaan, nabuko sa Senate investigation na ang NFA ay kasabwat ng rice smugglers noong panahon ni dating Administrator Lito Banayo.
Si Banayo ay kasalukuyang pinuno ng Manila Economic and Cultu-ral Office (MECO) na nakabase sa Taiwan.
(ROSE NOVENARIO)