Saturday , November 16 2024

Holdaper sa bus patay off-duty cop (2 suspek arestado sa QC)

PATAY ang isang lalaki makaraan barilin ng off-duty na pulis, habang arestado ang dalawang kasabwat, nang tangkaing holdapin ang isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)
PATAY ang isang lalaki makaraan barilin ng off-duty na pulis, habang arestado ang dalawang kasabwat, nang tangkaing holdapin ang isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

BINARIL at napatay ng isang off-duty cop ang isang holdaper sa loob ng bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PO2 Joselito Lantano, nakasuot ng civilian clothes, binaril niya ang suspek nang magpaputok ng baril, makaraan magdeklara ng hol-dap habang patungo sa Quezon Avenue flyover ang bus dakong 3:00 am.

Makaraan mapatay ang holdaper, hinanap ni Lantano ang dalawa pang suspek, habang iniutos sa mga pasahero na manatili sa kanilang upuan. Ngunit ang dalawang holdaper ay humalo sa mga pasahero.

Samantala, inihinto ng driver ang bus sa ilalim flyover na kadalasang may naka-standby na mga pulis.

Makaraan ang inspeksiyon, naaresto ng mga pulis ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Mark Lee Mahinay, security guard, at James Medrano, construction worker.

Nakompiskahan ang dalawa ng baril at patalim ngunit itinangging kasama nila ang napatay na holdaper.

Samantala, dalawa pang hinihinalang mga holdaper ang napatay ng mga operatiba ng QCPD sa V. Luna St., Pinyahan, dakong madaling araw kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Guillermo Eleazar, QCPD director, nakatanggap sila ng tip na isang gasolinahan ang hinoholdap sa V. Luna St.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis ngunit nagtangkang tumakas ang dalawang suspek at nang masukol ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na kanilang ikinamatay. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *